Posted in First Quarter

Filipino

Kasarian ng Pangngalan

  • Panlalaki-Ito ay pangngalan na nauukol sa lalaki

Halimbawa:tatay,lolo,kuya

  • Pambabae-Ito ay pangngalan na nauukol sa babae

Halimbawa:nanay,lola,ate

  • Di-tiyak- Ito ay pangngalan na nauukol sa lalaki o babae

Halimbawa:guro,kaklase,mag-aaral

  • Walang Kasarian-Ito ay pangngalan na nauukol sa bagay at mga pangngalang walang buhay

Halimbawa-salamin,litrato,lapis

Kayarian ng Pangngalan

  • Payak-Pangngalang binubuo ng salitang ugat lamang

Halimbawa:bahay

  • Tambalan-Pangngalang binubuo ng dalawang salitang pinagisa

Halimbawa: kapit-bahay

  •  Maylapi-Pangngalang binubuo ng salitang-ugat at panlapi

Halimbawa: Kagitingan

  • Inuulit-Pangngalang ang bahagi o kabuuan ay inuulit. Ang paguulit ay ganap kapag ang kabuuan nito ay inuulit

Halimbawa: gabi-gabi

Mga Uri ng Pangungusap Ayon sa Gamit

  • Pasalaysay-Ito ay pangungusap na nagsasalaysay o nagkukwento. Nagtatapos ito sa bantas na tuldok (.).

Halimbawa: Ang bayaning si Lapu-lapu ay magiting.

  • Patanong– Ito ay pangungusap na nagtatanong. Nagtatapos ito sa bantas na tandang patanong (?).

Halibawa: Ano ang iyong pangngalan?

  • Pautos-Ito ay pangungusap na nag-uutos. Nagtatapos ito sa bantas na tuldok (.).

Halimbawa: Ibigay mo saakin ang baso.

  • Pakiusap-Nagsasaad ng pakikiusap ang uri ng pangungusap na ito. Tuldok (.) ang nilalagay sa hulihan nito.

Halimbawa: Pakiabot po ng baso ng tubig.

  • Padamdam-Ito ay pangungusap na nagsasaad ng masidhing damdamin. Nagtatapos ito sa tandang padamdam (!)

Halimbawa: Walang aatras sugod!

Kailanan ng Pangngalan

  • Isahan-Ito ay tummutukoy sa isang pangngalan lamang

Halimbawa: Ang estudyante

  • Dalawahan– Ito ay tumutukoy sa pangngalan na tiyak na dalawa and dami ng bilang

Halimbawa: mag-kapatid

  • Maramihan-Ito ay tumutukoy sa tatlo o higit pang pangngalan

Halimbawa: Ang mga guro

Advertisements

Author:

I am a smart, kind and cheerful 10 year old. My hobbies include playing the piano and playing online games.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s