Posted in Second Quarter

Wika, Pagsulat at Pagbasa

Wika

Mga uri ng Panghalip

  • Panghalip Panao
  • Panghalip Pananong
  • Panghalip Paari
  • Panghalip Panaklaw
  • Panghalip Pamatlig

Panghalip Panao

Panghalip na humahalili sa pangngalang pantao.

ng panghalip panao ay mga panghalip na inihahalili sa ngalan ng tao:

  1. Panauhan – taong tinutukoy ng panghalip

Unang panauhan ————————–nagsasalita

Ikalawang Panauhan ——————— -kinakausap

Ikatlong Panauhan ————————-nagsasalita

  1. Kailanan – dami o bilang ng tinutukoy

Isahan, Dalawahan, maramihan

  1. Kaukulan – gamit ng panghalip sa pangungusap

Palagyo, paukol, paari

Panauhan/

Kailanan

Kaukulan

Palagyo

Paukol

Paari

Isahan

Una

Ako

Ko

Akin

Ikalawa

Ikaw, ka

Mo

Iyo

Ikatlo

Siya

niya

Kanya

Dalawahan

Una

Kami, tayo

Natin

Atin

Ikalawa

Kayo

Ninyo

Inyo

Ikatlo

Sila

Nila

Kanila

Maramihan

Una

Kami, tayo

Naming, natin

Atin, amin

Ikalawa

Kayo

Ninyo

Inyo

Ikatlo

Sila

Nila

Kanila

Pagtukoy sa Panghalip Paari

Ang panghalip paari ay ipinapalit sa pangalan ng tao na nagsasaad ng pagmamay-ari.

Narito ang mga pamalit sa pangalan ng isang

  • Nagsasalita: ko,akin 
  • Kinakausap: iyo,mo
  • Pinag-uusapan: niya,kanya

Pamalit sa pangalan ng maraming:

  • Nagsasalita: amin,namin,atin,natin
  • Kinakausap: inyo,ninyo
  • Pinag-uusapan: kanila,nila

Panghalip Pananong

Ang panghalip pananong ay panghalili o pamalit sa pangngalan na ginagamit sa pagtatanong

Halimbawa:

Sino ang nagtakda ng batas?

Gaano kahalaga ang batas?

May kailanan ang panghalip pananong:

Isahan: sino,ano,alin,kanino,ilang,saan,gaano,kailan,magkano

Maramihan: sino-sino,ano-ano,alin-alin,kani-kanino,ilan-ilan,saan-saan,gaa-gaano,kai-kailan,magka-magkano

Panghalip Pamatlig

Ang panghalip pamatlig ay salitang panghalili o pamalit sa pangngalan na ginagamit sa pagturo

Halimbawa : Heto na ang sagot sa lahat ng problema

Ganyan ang katangian ng may malasakit sa bayan

Panghalip pamatlig-   gamit sa pagturo-hetoganyan

Narito ang ilan pang halimbawa ng panghalip pamatlig:

-ito,nito,ganito,dito,heto

-iyan,niyan,ganyan,diyan,hayan

-iyon,niyon,ganoon,doon,hayun

Panghalip na Pamatlig na Patulad

Ang panghalip na pamatlig na patulad ay ginagamit sa pagtukoy ng bagay,gawain, at kaisipan sa paraang pahambing o pagkukumpara

Mga halimbawa:

  • Ganito-ginagamit kung ang pinag-uusapan ay malapit sa nagsasalita
  • Ganyan-ginagamit kung ang tinutukoy ay malapit sa kausap
  • Ganoon-ginagamit kung malayo sa mga nag-uusap ang tinutukoy

Panghalip (powerpoint presentation)

Pagsulat

Pagsulat ng Talambuhay

Ang talambuhay ay isang anyo ng akdang pampanitikan tungkol sa buhay ng isang tao. Isinusulat ito hindi para suriin ang tagumpay at kabiguan kundi upang kalaunan ay magamit na huwaran ng iba.

Uri ng Talambuhay

1.) Pansarili – tungkol sa buhay ng may akda

2.) Pang-iba – naglalahad ng makukulay na pangyayari sa buhay na dinadakila o hinahangaan

Paraan ng Pagsulat ng Talambuhay

Payak na paraan na pagsulat

Unang talata – panglan, araw ng kapanganakan, lugar ng kapanganakan, tirahan, magulang, kapatid

Ikalawang talata – mga katangian, mga hilig, paborito, libangan, mga bagay na natuklasan sa sarili

Ikatlong talata – mga pananaw sa mga bagay-bagay, pangarap, ambisyon, inaasan sa darating na panahon, mga gawain upang makamit ang tagumpay

Ang Talambuhay ni Aisaac Klarence Anunciacion

 Marso 21, 2006 nang isinilang ni Kristine Evaristo Anunciacion ang isang malusog na batang lalaking sanggol.  Aisaac Klarence ang ibinigay na pangalan sa akin ng aking mga magulang. Ako ang nakababata sa 2 anak ni Kristine at Ferdinand Anunciacion. Tatlong taon ang pagitan namin ng aking kuya na si Alxzandyr Kvorgx.  Ako ay isinilang sa lungsod ng Maynila subalit subalit nanirahan at lumaki sa Kalookan.

Pinalaki kaming magkapatid ng aking lola sapagkat parehong naghahanapbuhay ang aming mga magulang.  Noong nasa Pilipinas pa kami, madalas akong naglalaro kasama ang aking mga kaibigan sa kalye. Naglalaro kami ng habulan, tumbang preso at teks.  Mahilig din ako maglaro sa computer ngunit kadalasan ay napapagalitan ako ng aking lola dahil mas matagal akong nasa labas kaysa sa loob ng bahay.

Siyam na taon din akong nasa Pilipinas hanggang sa kinuha na kaming magkapatid ng aming magulang sa Malaysia. Ibang iba ang buhay sa Malaysia dahil dito walang mga kaibigan at kalaro na pwede kong puntahan. Ngunit hindi naman ako lubusan nalungkot dahil kasama na namin sina mommy at daddy. Si daddy at mommy na ang kalaro ko ngayon.  Natuto rin ako ng madaming gawaing bahay sapagkat hindi kagaya noon na ang lola ko lang ang kumikilos para sa amin magkapatid.

Sa aking paglaki, gabay ko ang mga aral ng aking mga magulang.  Alam kong pag pinagbuti ko ang aking pag-aaral makakamit ko ang aking mga pangarap.  Sabi ni Mommy magaling daw akong gumuhit. Yun ang aking inspirasyon upang maging isang arkitekto balang araw.  Ako ang magdidisenyo ng bahay na titirahan ng aking mga magulang upang pasasalamat sa pagmamahal at pagpapalaki nila sa akin.

Pagbasa

Tayutay (Simili at Metapora) 

(I-click ang link sa itaas para powerpoint presentation)

Advertisements

Author:

I am a smart, kind and cheerful 10 year old. My hobbies include playing the piano and playing online games.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s