Posted in Uncategorized

Pangatnig

Pagbuo ng Diyalogo

Basahin ang diyalogo na aking isinulat sa ibaba. Ang mga salitang naka italiko ay halimbawa ng mga pangatnig.

1.JPG

            Isaac                               Anthony
Isaac: Sasama ka ba sa amin mamaya o hindi ?
Anthony: Gusto ko sana ngunit di ako pinayagan eh. Ikaw ba pinayagan?
Isaac: Hindi rin subalit wala naman silang magagawang kung sumama ako, eh.
Anthony: Wala nga pero paano kung malaman nila?
Isaac: Oo nga ano? Pero sayang naman kung di tayo sasama. Minsan lang ito.
Anthony: Maaaring masaya nga ang lakad na ito ngunit mali naman ang gagawin mo.
Isaac: Sabagay, tama ka. Malaman man nila o hindi ay sinuway ko pa rin sila.
Anthony:  Hindi ka din matutuwa kung sa iyo gagawin yan
Isaac:  Totoo ang sinabi mo. Kung gagawa ako ng makasisiya sa akin bagama’t magiging dahilan naman ng kalungkutan ng aking mga magulang ay huwag na lamang
Anthony: Hay naku buti naman at nakinig ka. Kaibigan kita kaya ayokong may mangyaring sa iyong masama.
Isaac: Salamat pero sa susunod pag pinayagan tayo, sasama ka na?
Anthony: Siyempre naman!

 

Ano ang Pangatnig?

Tinatawag na pangatnig ang mga kataga o lipon ng mga  salitang nag-uugnay sa dalawang salita, parirala sa kapwa parirala at sugnay sa kapwa sugnay upang maipakita ang dalawa o higit pang kaisipan sa loob ng pangungusap. Ang pangatnig ay ginagamit din sa mga pangungusap na tambalan, hugnayan at langkapan.

Ito ay nahahati sa dalawang pangkat :

  1. Pangatnig na nag-uugnay sa magkatimbang na yunit.

(o, ni, maging, at, ‘t, ngunit, kundi) – pinagbubuklod ang kaisipang pinag-uugnay

Halimbawa:

Nakakuha ako ng tubig at tinapay.

Nakatulog ako’t nakapahinga.

Mangongopya ka ba o makikipagkwentuhan ka na lamang?

(ngunit, subalit, datapwat, bagamat, pero) – pangatnig na panalungat; sinasalungat ng ikalawang kaisipan ang ipinahahayag ng nauuna.

 

Advertisements

Author:

I am a smart, kind and cheerful 10 year old. My hobbies include playing the piano and playing online games.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s